38 babae bumuyangyang sa pekeng babaeng gynecologist

38 babae bumuyangyang sa pekeng babaeng gynecologist

October 28, 2022 @ 1:29 PM 1 month ago


SINGAPORE – Hinuli at ibinilanggo ang isang lalaki makaraang mabuking na nagpanggap na babaeng gynecologist para lang makakita ng mga ari ng mga babae.

Kinilala ng korte sa Singapore ang kriminal na si Ooi Chuen Wei, 37 at tubong Malaysia.

Pinarusahan si Ooi ng tatlong taon at apat na buwang pagkabilanggo sa pandaraya sa kanyang katauhan.

Nabuking ang ginagawang pagpapanggap at pang-aabuso sa internet sa 38 na babae ni Ooi nang magduda ang isa sa mga biktima at malamang walang doktor na may taglay ng ngalang gamit niya at doon na siya pinahuli sa mga pulis.

Ginamit ni Ooi ang Facebook para roon ipadala sa kanya ng mga babae ang larawan ng kanilang kaselanan o kaya’y ipakita sa kanya sa video.

Nakatanggap ang lalaki ng nasa 1,000 larawan ng ari ng mga babae bago ito hinuli, kinulong at nilitis na humantong sa deklarasyong siya’y nagkasala sa bintang. RNT/FC