38 paaralan nasira sa Davao quake – DepEd

38 paaralan nasira sa Davao quake – DepEd

February 5, 2023 @ 9:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 38 paaralan ang nagtamo ng pinsala kasunod ng magnitude 6 na lindol na tumama sa New Bataan, Davao de Oro nitong Miyerkules, Pebrero 1.

Ito ang iniulat ng Department of Education nitong Sabado, Pebrero 4 kung saan kabilang sa mga apektadong paaralan na ito ay ang:

Sonlon National High School sa Asuncion, Davao del Norte; Alejal Elementary School sa Carmen, Davao del Norte; Toril Elementary School sa Island Garden City of Samal; at Montevista National High School sa Davao de Oro.

Matatandaan na tumama ang lindol Miyerkules ng gabi at ang epicenter nito ay nasa 12 kilometro hilagang-silangan ng New Bataan.

Hanggang nitong Sabado naman, nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 882 na aftershocks. RNT/JGC