38 pagyaning naitala sa Bulkang Taal

38 pagyaning naitala sa Bulkang Taal

October 15, 2021 @ 7:43 PM 1 month ago


Manila – AABOT sa 38 volcanic earthquake ang naitala sa paligid ng bulkang Taal  sa nakalipas na magdamag iniulat na Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kanina.

Ayon sa Phivolcs nakataas sa alert level 2 ang paligid ng bulkang Taal na ang ibig sabihin ay patuloy sa pag-aalboruto ng bulkan.

Nabatid pa sa Phivolcs na patuloy sa pagbabanta ang pagbuga ng bulkan ng mainit na likido ng bulkan sa lawa.

Mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolc ang pagbabawal sa pagpasok sa  Permanent Danger Zone (PDZ) lalo na malapit sa bunganga ng bulkan  dahil sa banta ng pagbuga ng phreatic gas-driven explosion at minor ashfall.

Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. (Santi Celario)