38 patay sa bus accident sa Senegal

38 patay sa bus accident sa Senegal

January 9, 2023 @ 7:56 AM 3 weeks ago


DAKAR, Senegal- Hindi bababa sa 38 indibidwal ang namatay at marami ang nagtampo ng sugat nang magbanggaan ang dalawang bus malapit sa bayan ng Kaffrine sa central Senegal nitong Linggo, ayon sa presidente at sa fire services.

Bilang tugon sa “malubhang” aksidente, inanunsyo ni President Macky Sall ang tatlong araw ng national mourning simula Lunes.

Sa isang tweet noong Linggo, sinabi rin niya na mayroong 40 na pagkamatay at “many serious injuries”.

“I am deeply saddened by the tragic road accident,” aniya sa Twitter.

“I extend my heartfelt condolences to the families of the victims and wish a speedy recovery to the injured.”

Sinabi ng Senegalese prosecutor sa isang hiwalay na pahayag na 38 katao ang napatay.

Sinabi ng public prosecutor na si Cheikh Dieng, na batay sa inisyal na imbestigasyon, ang sanhi ng aksidente ay “a bus assigned to the public transport of passengers, following the bursting of a tyre, left its trajectory before colliding head-on with another bus coming in the opposite direction.”

Nauna nang sinabi ni Colonel Cheikh Fall, na namamahala sa mga operasyon para sa National Fire Brigade ng bansa sa West Africa, na 38 indibidwal na ang namatay at 87 ang nasugatan sa aksidente.

Naganap ang aksidente bandang alas-3:15 (0315 GMT) Linggo ng umaga, ani Fall sa AFP, at idinagdag na ang lahat ng mga biktima ay dinala sa isang ospital sa Kaffrine.

Naalis na ang wreckage at demolished bus at balik-normal na ang trapiko sa kalsada, aniya.

Bumisita na ang gobernador at mga lokal na opisyal sa pinangyarihan ng aksidente, dagdag niya.

Sinabi ni Pangulong Sall pagkatapos ng panahon ng pambansang pagluluksa, isang konseho ng gobyerno ang gaganapin “to take firm measures on road safety”.

Ang mga aksidente sa kalsada ay karaniwan sa Senegal, karaniwan ay dahil sa kawalan ng disiplina sa pagmamaneho, mahihirap na kalsada at mga sira-sirang sasakyan, ayon sa mga eksperto.

Gayunpaman, ito ang isa sa pinakamabigat na bilang ng nasawi mula sa isang insidente nitong mga nakaraang taon.

Noong Oktubre 2020, hindi bababa sa 16 indibidwal ang namatay at 15 pa ang nasugatan nang bumangga ang isang bus sa isang refrigerated lorry sa kanlurang Senegal. RNT/SA