38 Pinoy patay sa COVID; 2,404 dagdag-kaso

38 Pinoy patay sa COVID; 2,404 dagdag-kaso

September 9, 2022 @ 7:11 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – May iniulat pang karagdagang 2,404 na bagong kaso ng COVID-19 na nagdala sa 24,032 ang aktibong kaso.

Ang kabuuang kaso na sa bansa ay umabot na sa 3,898,882, base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Sa karagdagang kaso, 945 ang mula sa Metro Manila

Iniulat din ng DOH ang 38 bagong nasawi mula sa COVID-19 dahilan para umakyat na sa kabuuang 62,206 ang namamatay sa naturang sakit sa bansa.

Umabot naman sa 3,812,664 ang nakarekober na sa COVID-19.

Ang positivity rate mula Setyembre 4 hanggang 7 ay bahagyang umabot sa 11.9 percent.

Hindi bababa sa 72.6 milyong tao sa bansa ang ganap na nabakunahan laban sa sakit sa paghinga, kung saan 18.3 milyon ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.

Isasagawa naman ang special vaccination laban sa COVID-19 mula Setyembre 26 hanggang 30.

Nilalayon ng gobyerno na magbigay ng hindi bababa sa 5 milyong booster shot sa panahong iyon, ayon sa naunang pahayag ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden