PTFOMS nakasuporta sa hirit na pag-aresto kay ex-Palawan Gov. Reyes

PTFOMS nakasuporta sa hirit na pag-aresto kay ex-Palawan Gov. Reyes

May 3, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Suportado ng Presidential Task Force on Media Security at iba pang international media groups ang  panawagan ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na iutos ang muling pag-aresto kay dating dating Palawan Gov. Mario Joel Reyes at ituloy ang pagdinig sa kasong pagpatay sa  environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.

Sinabi ni Undersecretary Joel M. Sy Egco, hindi maaaring hindi kumilos ang task force hangga’t hindi nakukulong at napapanagot sa batas ang mga pumatay kay Ortega.

Naniniwala si Egco na malakas ang mga ebidensya laban kay Reyes.

“The Presidential Task Force shares the sentiments of the OSG in its motion to lift the TRO which is preventing the re-arrest of the former governor. We believe that the evidence of guilt is strong in the criminal case filed against Reyes in connection with the slaying of Gerry Ortega,” ani Egco sa isang kalatas.

Si Ortega ay binaril noong January 24, 2011 sa Puerto Princesa City matapos ang kanyang programa sa radyo.

Sinabi naman ng abugado at  environmental policy expert na si Dean Tony La Viña na bukod sa nakabinbin na kasong murder, kailangan ding malinawan na ang status ng isa pang kaso ni Reyes na graft and corruption kung saan isa sa ipinataw na parusa kay Reyes ay ang pagbabawal nang tumakbo sa anomang posisyon sa pamahalaan.

“In both cases, no final decision of the SC has been issued. We expect that justice will be done once the process is completed,” wika ni La Viña.

Maging ang International journalist group na Safer World for the Truth ay sang-ayon sa kahilingan na muling ipaaresto at ikulong si Reyes.

Nababahala ang naturang grupo dahil sa mistulang naliligtas sa parusa si Reyes sa kabila umano ng malakas na ebidensya laban sa kaniya. Teresa Tavaresrnatibo sa tradisyunal na pangangampanya.