393 huli sa gun ban – PNP

393 huli sa gun ban – PNP

January 26, 2022 @ 4:59 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang 23 bagong lumabag sa gun ban kaugnay sa 2022 elections.

Umabot naman ang kabuuang bilang nito sa 393.

Sinabing ang 23 naaresto ay pawang mga sibilyan.

Nasabat dito ang 20 firearms;148 ammunition; at limang deadly weapon.

Naaresto naman ang mga ito sa Manila, Batangas City, Nueva Ecija, Las Piñas, Rizal, Iloilo, Antipolo, Pasig, Cebu, Bacolod City, Albay, Lapu-Lapu City, Parañaque, Batangas, Pampanga, Caloocan, at Malabon.

Samantala, may kabuuang 46,570 checkpoint operation naman na ang naisagawa mula Enero 9.  RNT/FGDC