Tikas ni Barriga masusukat vs Gonzalez

Tikas ni Barriga masusukat vs Gonzalez

May 13, 2022 @ 9:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Masusubok ang kaastigan ni Filipino boxing Olympian Mark Anthony Barriga sa kampeonato sa sandaling makasagupa na niya ang WBO world light flyweight champion na si Jonathan Gonzalez sa Hunyo 14 sa Osceola Heritage Park sa Kissimmee, USA.

Babanat si Barriga, na unang kinatawan ng Pilipinas sa noong 2012 Olympics, na may 11-1 at 2 knockouts bilang professional boxer.

Nagsasanay siya sa ilalim ng tutelage ng coach ni Jerwin Ancajas na si Joven Jimenez pero nagpahinga ito nang matalo siya sa unang tangkang world title fight kontra Carlos Licona noong Disyembre 2018.

Mataas ang kontensiyon ni Barriga, 28 sa pagbabalik matapos ang dalawang sunod na panalo kontra Filipino journeymen noong nakaraang taon.

Si Gonzalez sa kabilang banda ay may hawak na 25-3-1 at 14 KOs bilang pro at galing sa three-fight winning streak. Ang nalalapit niyang laban ang magiging una niyang pagdepensa ng world title.