399 patay sa dengue ‘gang Agosto 2022; sapul ng chikungunya tumaas

399 patay sa dengue ‘gang Agosto 2022; sapul ng chikungunya tumaas

August 25, 2022 @ 5:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mas marami pang kaso ng mga sakit na nagmula sa lamok ang naitala sa Pilipinas ngayong taon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Agosto 6, nakapagtala na ng 118,526 kaso ng dengue sa buong bansa, o 153% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Hanggang nitong Agosto 6, umabot na sa 399 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa dengue. Mas mataas ito sa 167 na pagkamatay na naiulat sa parehong panahon noong 2021.

Naitala ng National Capital Region ang halos isang-katlo ng mga bagong kaso ng dengue sa unang linggo ng Agosto na may 1,007, na nagdala sa kabuuan nito sa 10,937 para sa taon. Ang Central Luzon (21,242) at Central Visayas (11,363) ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa buong bansa.

Sa lahat ng rehiyon, ang Cagayan Valley ay nakakita ng pinakamataas na pagtaas na may 8,132 dengue infections noong Agosto, o 62,361% na mas mataas kaysa sa 371 kaso na naitala nito noong nakaraang taon.

Bukod sa dengue, nakapagtala rin ang bansa ng 374 chikungunya infections hanggang noong Agosto 6. Ang bilang ay 475% na mas mataas kaysa sa 65 na kaso na naiulat noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga kaso ng chikungunya ay mula sa Calabarzon (103), Central Visayas (75), Davao Region (67), Western Visayas (53), Central Luzon (26), at Ilocos Region (20).

Tanging ang Silangang Visayas at ang Zamboanga Peninsula ay hindi nag-ulat ng mga impeksyon sa chikungunya.

Isang tao ang namatay sa chikungunya ngayong taon. RNT