3K-5K kaso ng COVID asahan sa pagtatapos ng holiday season – Solante

3K-5K kaso ng COVID asahan sa pagtatapos ng holiday season – Solante

December 23, 2022 @ 6:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Asahan na ang 3,000 hanggang 5,000 kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng holiday season.

Bagama’t mataas ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante nitong Biyernes, Disyembre 23, mas mabuti naman ang sitwasyong ito kumpara noong nakaraang taon.

“Our situation now is more stable because a lot of us are vaccinated and already had booster shots. And despite the fact that we have variants [of Omicron], our hospitals are not being filled with COVID-19 patients because we have population immunity and if there are cases, there are mild, except in vulnerable population where an infection [of COVID-19 go with other [complications],” ayon kay Solante kasabay ng public briefing.

“Unlike last year when we had 25,000 to 30,000 cases [after the holidays] due to the Omicron variant…we will have 3,000 to 5,000 cases more or less which is [a] manageable [figure]. I don’t think we will be reaching 5,000 cases,” dagdag niya.

Batay sa rekord, nasa 73.7 milyon na Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 21 milyon naman ang nakakuha na ng booster shot.

Sa kabila nito ani Solante, dapat pa ring makatanggap ng bivalent COVID-19 vaccine ang mga Filipino dahil sa nagkalat na mga bagong variant ng sakit.

“The next vaccine [we should give] should be the bivalent vaccine because it specifically targets the Omicron variant. We know BF.7 is a sublineage of Omicron, so it also follows that even if we don’t have much data on BF.7, it can also be neutralized by the bivalent vaccine against COVID-19,” dagdag niya.

Ayon sa DOH, inaasahan na makapagbibigay na ng bivalent vaccine sa target population pagsapit ng Enero hanggang Marso ng susunod na taon. RNT/JGC