3K OFWs na apektado ng air traffic system glitch, inasistihan

3K OFWs na apektado ng air traffic system glitch, inasistihan

January 2, 2023 @ 12:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Humigit-kumulang 3,000 overseas Filipino worker (OFWs) ang natulungan sa kanilang rebooking flights matapos magambala ang daan-daang flight noong Linggo dahil sa mga isyung teknikal na nagsara sa airspace ng Pilipinas, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes.

Karamihan sa mga stranded na OFWs ay may flight sana patungong Middle East at iba pang bansa sa Asia, ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac.

Humigit-kumulang 280 flights ang nakansela, nadivert o na-delay noong New Year’s Day matapos iulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang technical issue sa Philippine Air Traffic Management Center.

Sinabi ni Cacdac na bg mga apektadong OFWs ay tinulongan ng kanilang airlines at recruitment agencies at binigyan din ng pagkain, transportation at hotel accommodation.

Nasa 400 sa mga OFWs ang stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark at Mactan airport.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang sistema ay bahagyang naibalik noong Linggo alas-4 ng hapon, at ang mga flight at nagpatuloy din ang arriving at departing.

Ayon sa opisyal ng DOTr, inaaasahang ganap na makakabangon ang flight operations sa Maynila sa loob ng tatlong araw, ngunit bilyon-bilyong pisong halaga ng upgrade ang kailangan para maiwasang maulit ang insidenteng ito na nakaapekto sa libu-libong pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden