3K sundalong Pinoy, Kano sanib-pwersa sa Salaknib exercise

3K sundalong Pinoy, Kano sanib-pwersa sa Salaknib exercise

March 13, 2023 @ 6:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Lalahok ang nasa 3,000 sundalo mula sa Philippine Army at United States Army Pacific para sa taunang Salaknib Exercise simula ngayong araw, Marso 13.

Ang Salaknib ay taunang pagsasanay ng Pilipinas at US, upang mapalakas ang interoperability ng dalawang bansa sa aspeto ng military operations.

Ang Salaknib exercise ngayong taon ay gagawin sa dalawang bahagi, ang una ay nakatakda mula Marso 13 hanggang Abril 4 habang ang ikalawang bahagi ay sa second quarter ng 2023.

“In addition to the normal exercises and trainings we have, we will infuse more programs and training exercises that involve tactics we are learning from the Russia-Ukraine conflict… We will definitely benefit from that aspect,” sinabi ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa sidelines ng opening ceremony sa Fort Magsaysay.

“One thing we are learning from the Russia-Ukraine conflict is that you do not need a very strong Army to defend yourselves. Kahit na mangilan-ngilan lang ang ating modern weapons, the important thing is the will to fight of the people,” dagdag pa niya.

Lalahok din upang sumaksi sa Salaknib ang mga miyembro ng Japan Ground Self-Defense Force.

“For instance, when we were facing [communist rebels] in the country, our exercises were geared towards that… Then came the threat of terrorist groups, like the ISIS-inspired terrorist groups, so our exercises were geared towards counterterrorism,” paliwanag ni Brawner.

“This time, we are seeing the near of the end of [communist groups] in the country. We are shifting towards territorial defense. In our scenarios in Salaknib together with the US forces, we will be training on scenarios that will allow us to work and operate together to face adversaries from out of the country,” pagpapatuloy niya.

“The scenarios will involve the defense of the PH archipelago… from potential foreign aggressors. We will focus on defense operations such as air defense and defense from the shorelines.”

Matatandaan na isang buwan na ang nakalilipas ay mas pinalawak pa ng Pilipinas ang access ng Estados Unidos sa base militar sa pagdaragdag ng apat na lokasyon para rito sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). RNT/JGC