3M Pinoy kumpletong bakunado na vs COVID-19

3M Pinoy kumpletong bakunado na vs COVID-19

July 8, 2021 @ 2:41 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Lumagpas na sa 3,000,000 ang bilang ng mga kumpletong bakunadong Filipino, ayon sa Malakanyang, Huwebes.

“Mahigit tatlong milyon or 3,089,876 ang fully vaccinated,” ani presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang online press briefing.

Sa ngayon ay umabot na rin sa 12.4 million doses ang naiturok sa bansa.

Sa nasabing bilang 9,399,801 doses ang unang dose hanggang nitong Hulyo 7. RNT