3rd at 4th case ng monkeypox nagpapagaling pa rin – DOH

3rd at 4th case ng monkeypox nagpapagaling pa rin – DOH

September 14, 2022 @ 7:20 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na nagpapagaling pa rin ang dalawang pasyente ng monkeypox.

Ayon sa ahensya, lahat ng kanilang close contacts maliban sa isa ay asymptomatic matapos makumpleto ang kanilang quarantine at self-monitoring.

Habang ang isa pang close contact ay binabantayan pa ang pasyente sa pasilidad kung saan sasailalim pa lamang ng kanyang quarantine kapag nakalabas na ang pasyente mula sa isolation.

Sa pangatlong kaso, ang 29 taong gulang na Filipino national, ay nagpapagaling pa sa bahay sa kabila ng pagkumpleto ng isolation period.

Samantala, ang ikaapat na kaso na isa ring Filipino at 25 taong gulang ay nanatiling nagpapagaling sa pasilidad at hinihintay na matanggal ang kanyang mga langib.

Sa ngayon, sinabi ng DOH na wala pang bagong kaso ng monekypox na natutukoy o na-detect kaya nanatili pa rin sa apat ang monkeypox cases ngayon sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden