3rd party para sa paggawa ng plaka hirit ng LTO

3rd party para sa paggawa ng plaka hirit ng LTO

June 5, 2022 @ 11:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 11 milyong plaka ng mga motorsiklo ang pasok sa backlog ng Land Transportation Office (LTO) kung saan aabutin umano ng isang taon para magawa ito.

Nasa 18 hanggang 19 milyong plaka kasi ang kailangang gawin ng LTO kung saan 500 piraso ng plaka kada oras lang ang nagagawa ng kanilang plate-making machine.

Sa nasabing bilang, pitong milyong plaka pa lang ang natatapos na gawin ng LTO.

“’Yung 18 to 19 million plates na ‘yon, sa ngayon ang nagagawa pa lang namin around 7 million. Kaya ang laki pa ng hahabulin namin. Hopefully, in the coming administration, mabigyan ng mas malaking pondo ang LTO para sa backlog na around 10, 11 million plates,” ani Assistant Secretary Edgar Galvante.

Para matugunan ang problema sa backlog ng mga plaka, iminumungkahi ni Galvante na magkaroon ng licensed third-party contractor.

“Ipapagawa na natin ito sa labas. Para habang ginagawa natin yung moving-forward plate na planta dito, ‘yung backlog ginagawa na ng kung sino man ang manalo sa kontrata,” paliwanag niya. RNT