3rd signatory sa Sugar order 4, nagbitiw sa pwesto

3rd signatory sa Sugar order 4, nagbitiw sa pwesto

August 16, 2022 @ 12:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica na kagyat namang tinaggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mismong si Executive secretary Vic Rodriguez ang nagkumpirma sa usaping ito kasunod ng lumabas na dokumento ukol sa ginawang pagtanggap ng Malakanyang sa resignation nito na may petsang August 15, 2022.

Sa ulat, Agosto 10 pa naghain ng resignation letter si Serafica kasunod ng kontrobersiya na may kinalaman sa lumabas na SRA Resolution 4, importasyon sana ng 300,000 metric tons ng asukal.

Samantala, kinumpirma rin ni Rodriguez na tinanggap na rin ni Pangulong Marcos ang ginawang pagbibitiw ni dating SRA board member Atty Roland Beltran,

Naghain si Beltran ng kanyang resignation letter nitong nakaraaang Agosto 14 at tinanggap kahapon, Agosto 15, 2022 ng Punong Ehekutibo. Kris Jose