3rd SONA speech ni Pangulong Duterte, tatagal lang ng 35 minuto

3rd SONA speech ni Pangulong Duterte, tatagal lang ng 35 minuto

July 10, 2018 @ 9:44 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tiniyak mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tatagal lamang ng 35 minuto ang kanyang talumpati sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23.

“I will read my SONA speech which should not be more than 35 minutes,” ayon sa Pangulo.

Matatandaang tumagal ng 90 minuto ang unang SONA o Ulat Sa Bayan ni Pangulong Duterte habang 120 minuto naman ang kanyang ikalawang SONA.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang SONA ni Pangulong Duterte ay magiging maiksi na lamang dahil sa isinasagawa ngayong pre-SONA forum ng iba’t ibang Cabinet clusters sa held at the Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“It is shorter since we had pro-SONA led by various chairmen of the Cabinet cluster committees,” ani Sec. Roque.

Sa katunayan, nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 6 ay inilahad na ng Economic Development Cluster at Infrastructure Cluster ang kani-kanilang accomplishments sa 2018’s pre-SONA na pinamagatang”Tatak ng Pagunlad”.

Ang “Tatak ng Pagbabago”, pre-SONA forum ay magre-resume bukas Hulyo 11 na tinatampukan ng Participatory Governance and Human Development and Poverty Reduction Clusters sa ilalim ng sub-theme na “Tatak ng Malasakit at Pagkakaisa”.

Ang Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Resiliency and the Security, Justice and Peace Clusters ay magu-ulat ng kani-kanilang accomplishments sa idaraos na ikatlo at huling bahagi ng forum na pinamagatang “Tatak ng Katatagan” sa Hulyo 18.

Pagdating sa word count, ang talumpati ni Pangulong Duterte noong 2017 ang maituturing na pinakamahaba dahil mayroon itong 12,527 words kung saan nalagpasan ang 11,934 words na ginamit ni dating Pang. Benigno Aquino III noong 2015 SONA nito.

Ang SONA ni Aquino noong 2015 ang itinuring na mahaba pagdating sa oras dahil kumain ito ng 135 minuto. (Kris Jose)