3rd wave ng COVID-19 sa C. Visayas, ‘manageable’ – DOH

3rd wave ng COVID-19 sa C. Visayas, ‘manageable’ – DOH

July 14, 2021 @ 11:08 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng regional Department of Health ang nangyayaring ikatlong bugso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Sa kabila nito, sinabi ng regional DOH na ‘manegeable’ o kaya pa nila itong kontrolin sa ngayon.

Hindi naman din umano nakaapekto ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon pagdating sa healthcare system sa Cental Visayas, ayon kay said Dr. Eugenia Mercedes Cañal, cluster head ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU).

“The wave is not like the wave of zombies that happened overnight. It means a description or a pattern of peaks. Based on our epi-curve, our cases, when we made a graph, we saw a U-shape,” ayon kay Cañal.

Sa ngayon, umabot na sa 76,787 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa rehiyon, kabilang na ang 66,102 recoveries at 2,288 deaths.

“Our cases here are slowly increasing. And thus, it created another peak. That’s what we called a wave but we don’t necessarily mean that when there’s a wave, thousands of cases were made overnight,” giit pa niya.

Ipinunto pa ng eksperto na kahit may pagtaas ng kaso ng COVID ay hindi ito dahilan para mag-panik ang publiko.

“I don’t like to inject fear and panic to the community and to the public. In fact, our critical care utilization rates are still within healthy levels. The outbreak is still manageable but then again, we shall not let our guards down,” dagdag pa ng doktor. RNT