4.2% inflation rate sa Pinas naitala nitong Nobyembre- PSA

 4.2% inflation rate sa Pinas naitala nitong Nobyembre- PSA

December 7, 2021 @ 10:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Bumagal ang paggalaw sa average na presyo ng basic goods at services sa buwan ng Nobyembre, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Ayon sa tweets, naitala ng PSA ang inflation o “rate of increase in commodity prices” sa 4.2 porsyento noong isang buwan.

Mas mabagal ito kumpara sa naitalang 4.6 porsyento noong Oktubre. Ang average inflation mula Enero hanggang Nobyembre 2021 ay nasa 4.5 porsyento, ayon sa PSA.

“Ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong  Nobyembre 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 3.9 % inflation at  93.2 % share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa,” paliwanag ng PSA. RNT/SA