Manila, Philippines – Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang probinsiya ng Zamboanga del Sur, Martes ng umaga (August 7), ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman ang pagyanig dakong 6:18 ng umaga sa 26 kilometers timog silangan ng bayan ng Tabina.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 16 kilometers.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, naramdaman din ang intensity 1 sa Zamboanga City.
Hindi naman magdudulot ng aftershock ang lindol at hindi rin nakapagtala ng anumang pinsala sa lugar. Remate News Team