4.2M face mask ido-donate ni S. Williams sa US

4.2M face mask ido-donate ni S. Williams sa US

August 1, 2020 @ 9:26 AM 3 days ago

Share

UNITED States (US)– Magpapamahagi ng aabot sa 4.25 milyong piraso ng face mask sa mga paaralan sa US si tennis star Serena Williams, ayon sa ulat.

Sinabi ni Williams na layunin ng proyekto na maprotektahan ang mga mag-aaral sa banta ng coronavirus lalo pa at magsisimula na ang eskwela sa mga susunod na buwan.

Kaagapay ng 23-grand slam champion ang t-shirt company na Bella+Canvas, National School Board Association at Scholastic sa gagawing pamamahagi ng face masks.

Bukod sa protective gear, magbibigay rin ang proyekto ni Williams ng educational materials sa 54 million na mga bata sa 115,000 paaralan sa US. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...