4.4M Pinoy mabebenipisyuhan ng 4Ps sa 2023

4.4M Pinoy mabebenipisyuhan ng 4Ps sa 2023

November 15, 2022 @ 5:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Aabot sa 4.4 milyong mahihirap na Filipino ang inaasahang mabebenepisyuhan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa 2023, ayon kay Senador Imee Marcos said Monday evening.

Sa ginanap na deliberasyon ng Senado sa P194 bilyong pondo ng Department of Social Welfare and Development sa 2023, na hindi kayang tugunan ng ahensita ang benepisaryo na mas mataas ang taunang target dahil kapos ang pondo sa conditional cash program.

“Nasa 4.4 million beneficiaries pa rin ang target households for 2022 and this will continue to 2023,” ayon sa senador sa ginanap na plenary debates.

“Year-on-year, yung target beneficiaries kasi ng 4Ps nakapako sa 4.4M at ‘yun lang ang kinakaya ng budget. ‘Yun ang mahirap gampanan kasi…lumolobo ang nasa hanay ng mahihirap kaya di sapat ‘yung binibilang natin kasi kahit nabawasan, nadagdagan naman,” dagdag niya.

Naunang inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na aabot sa 600,000 non-compliant beneficiaries ang hindi makatatanggap ng tulong pinansiyal.

Pero, nang muling suriin ang kaso, sinabi ni Marcos na natuklasan na hindi “fake beneficiaries” ang mga ito saka ibinalik sa “Listahan 3’ database.

Inihayag din ng senador na aabot sa 443,000 household ang bagong ipinasok sa programa kaya nagresulta ng 1.3 milyong household ang kasalukuyang nabebenepisyuhan mula sa 4Ps.

Isang poverty alleviation program ang 4Ps ng national government na nagbibigay ng conditional cash grant sa mahihirap na pamilya upang tugunan ang agarang pangangailangan nila.

“Among the conditions qualified households should meet for continued eligibility in the program are: pregnant women must avail of pre- and post-natal care and be attended to during childbirth by a trained professional; parents or guardians must attend the family development sessions, which include topics on responsible parenting, health, and nutrition; children aged 0-5 must receive regular preventive health check-ups and vaccines; children aged 6-14 must receive deworming pills twice a year; and children-beneficiaries aged 3-18 must enroll in school, and maintain an attendance of at least 85% of class days every month,” ayon sa senador. Ernie Reyes