4.5-magnitude lindol tumama sa Bukidnon

4.5-magnitude lindol tumama sa Bukidnon

December 6, 2022 @ 3:12 PM 2 months ago


BUTUAN CITY- Tinamaan ng 4.5-magnitude na lindol ang lalawigan ng Bukidnon sa Northern Mindanao region nitong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Inihayag ng Phivolcs na naitala ang lindol kaninang alas-7:54 ng umaga. Natukoy ang epicenter apat na kilometro mula sa northwest ng Kalilangan sa Bukidnon, ayon sa state agency.

Mababaw lamang ang pagyanig na isang kilometro, base sa Phivolcs. Naitala ang  instrumental intensities na intensity IV sa Kalilangan, intensity II  sa bayan ng Talakag, at intensity I sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental at Malaybalay City.

Nakapagtala rin ng 4.4-magnitude tectonic earthquake sa karatig-bayan na Pangantucan, sa Bukidnon.

Parehong tectonic ang dalawang lindol.

Walang naiulat na pinsala ang Bukidnon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC). RNT/SA