4-anyos binugaw ng nanay

4-anyos binugaw ng nanay

December 6, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


CEBU CITY- Kulungan ang kinasadlakan ng isang ina matapos mabuko ang ginagawa nitong pambababoy sa sariling 4-na taon gulang na anak na babae, kahapon ng umaga.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakatanggap sila ng report mula sa National Crime Investigation Service (NCIS) ng Norway, na nahuli nila noong Hunyo 28 ang dayuhan na kinilalang si Raymond Harper na makipag transaksyon sa babae sa pamamagitan ng messaging service na WhatsApp.

Nakuha nila kay Harper Norway ang mga malalaswang larawan at video ng batang babae kapalit na salapi.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte natunton ang tahanan ng ginang na hindi pinangalanan sa Barangay Suba, Cebu City.

Nahaharap ang ginang sa mga kason paglabag sa Trafficking in Persons Act of 2003; ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act; ang Cybercrime Prevention Act of 2002; at ang Anti-Child Pornography Act ng 2009.

Kasalukuyan naman nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang babae./Mary Anne Sapico