4-anyos na nene dinonselya ng matandang binata

4-anyos na nene dinonselya ng matandang binata

November 2, 2022 @ 2:59 PM 1 month ago


AURORA, ISABELA – Sa murang edad ni Nene (hindi tunay na pangalan) ay pwersahan umano itong ginahasa ng 48-anyos na binata sa Brgy. Naruangan, Tuao, Cagayan.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Angelo Pagulayan, hepe ng Aurora Police Station kay PCol. Julio R. Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang suspek ay kinilalang si Jacinto Abad, 48 anyos, binata, magsasaka at residente ng Barangay Dagupan, Tuao Cagayan.

Una rito, nagtungo ang biktima na itinago sa pangalang Nene kasama ang kanyang nanay at tatay sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang naganap na panggagahasa bandang 3:30 ng hapon sa Barangay Naruangan, Tuao, Cagayan.

Ayon sa pahayag ng mga magulang ng biktima, hapon nung makiusap ang suspek na magpapahinga muna sa kanilang kubo kung saan naglalaro ang biktima kasama ang kanyang kapatid na lalaki.

Pagkalipas ng ilang sandali, nagtaka ang tatay ng biktima nung tumakbong palabas ang anak na lalaki kaya lumapit siya sa kubo at nakita niyang hinahalay ng suspek ang kanyang anak.

Sa gulat ng suspek ay bigla itong kumaripas ng takbo palayo.

Dahil dito, agad nagsagawa ng “Hot Pursuit Operation” ang Project Covert Riders at kapulisan sa pamumuno ni PMaj. Jhun-Jhun Balisi at himpilan ng Aurora Police Station sa pangangasiwa ni PMaj. Pagulayan kung saan agad na nahuli ang suspek na nagtago sa Bolinao, Aurora, Isabela na positibong kinilala ng biktima at kanyang mga magulang.

Pansamantala nasa kustodiya na ng Tuao Police Station ang suspek habang inihahanda na ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ang kasong may paglabag sa Republic Act 11648 o Statutory Rape laban dito. Rey Velasco