4-anyos nailigtas sa gahasa ng katrabaho ng ama

4-anyos nailigtas sa gahasa ng katrabaho ng ama

November 8, 2022 @ 9:37 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ang manyak na katrabaho ng isang ama sa Tuao, Cagayan matapos na maaktuhang ginagahasa ang kanyang anak sa loob mismo ng kanilang bahay.

Naglalaro umano sa bahay ang apat na taong biktima, kasama ang mas nakababatang kapatid nang pumasok ang suspek at hinalay ang bata.

Nang maaktuhan, hinabol ng itak ng ama ng bata ang suspek pero nakatakas ito.

Sa isinagawang pagtugis ng kapulisan ay nahuli ang suspek na nagmamakaawang humihingi ng tawad sa pamilya ng biktima.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek habang isasailalim sa counseling ang biktima. RNT