4-anyos neneng pinangakuan ng kendi hinalay

4-anyos neneng pinangakuan ng kendi hinalay

June 29, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang lalaking manyakis matapos na halayin ang isang neneng pinangakuang bibigyan ng kendi sa Navotas City.

Ibinalibag sa selda si Jhon Cedric Pinggoy, 20, na natiklo ng mga tanod ng Barangay North Bay Boulevard South-Kaunlaran, ng lungsod sa kanyang bahay sa  Phase 1A, ng naturang barangay 1:00 p.m. ng Hunyo 27.

Sinakote si Pinggoy matapos na magsumbong sa kanyang lola ang apat na taong gulang na biktimang si alyas “Charo” na habang naglalakad siya pauwi ay nilapitan siya ng suspek at pinangakuang bibigyan ng kendi sa kanyang bahay ngunit pagsapit doon ay hinalay na ang paslit.

Dumulog sa mga tanod ang lola ni Charo na nagbunga sa pagkadakip kay Pingoy na dagling inilipat sa kustodiya ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. Merly Iral