4-anyos pisak sa SUV

4-anyos pisak sa SUV

September 16, 2022 @ 12:05 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang apat na taong gulang na batang babae matapos mabangga ng SUV sa Malate, Manila.

Kinilala ang biktima na si Radzma, Upao y Masalbe, nakatira sa M. Adriatico Street, Malate, Manila.

Hawak na ng Manila District Traffic Enforcement Unit o MDTEU ang suspek na si Gil Cruzada y Dellupac, 63, retiradong OFW at residente sa San Isidro, Paraṅaque City .

Sa imbestigasyon ng MDTEU, nangyari ang insidente sa kahabaan southbound Adriatico Street kanto ng Quirino Avenue, Malate Manila Huwebes ng hapon.

Minamaneho umano ni Cruzada ang kanyang Mitsubishi Montero Sport at binabagtas ang southward ng Adriatico At.,nang pagsapit sa kanto ng Quirino Avenue nang mabangga ang biktima.

Agad itong dinala sa Ospital ng Maynila ngunit binawian din ng buhay dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Inihahanda na ang kasong homicide laban sa driver ng SUV. Jocelyn Tabangcura-Domenden