4 arestado sa coconut lumber

4 arestado sa coconut lumber

December 5, 2022 @ 7:17 PM 2 months ago


TAYABAS CITY- Arestado ang apat na katao matapos maharang sa checkpoint ang illegal na pagtransport ng mga coconut lumber kaninang madaling araw, Disyembre 5 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Neil Gasmen, at mga helper nitong sina Webo Ramos, Ryan Santos, at Michael Egliane,

Sa ulat ng Tayabas Municipal Police Station, dakong 1:30 AM naharang ang trak na minamaneho ni Gasmen sa Barangay Mayuwi, ng naturang lungsod.

Narekober sa loob ng trak ang mga bagong putol na coconut lumber na may kabuuang 5,000 board feet (11.79 cubic meters at aabot sa halagang P50,000.00 underground market.

Hiningan ng pulisya si Gasmen ng kaukulang dokumento sa mga kargamento gaya ng permit mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) subalit wala silang maipakita.

Nakasaad sa ilalim ng Coconut Preservation Act of 1995, ang pagputol ng mga puno ng niyog at pagdadala ng coconut lumber ay ipinagbabawal maliban kung may kaukulang pahintulot mula sa lokal na tanggapan ng PCA Tayabas City.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico