4 arestado sa pagsinghot ng droga

4 arestado sa pagsinghot ng droga

June 25, 2022 @ 9:54 AM 2 months ago


BACOLOD CITY- Arestado ang apat na hinihinalang tulak at gumagamit ng iligal na droga matapos mahuli sa drug buy-bust operation kaninang madaling-araw (Sabado) sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Joseph Espiritu alyas Toto Joseph, 32-anyos; Cesar Espiritu alyas Boknoy, 33-anyos, kapwa residente sa Purok Narra, Barangay Handumanan, Bacolod City ; Rio John Diwatin alyas Jojo, 32-anyos, residente sa Purok Zone 6; at Rose Anne Bachoco alyas Ann, 28-anyos, residente sa Purok San Antonio, ng naturang barangay.

Ayon kay Police Lt. Joven Mogato, hepe ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), dakong ala-1:40 ng madaling araw nakabili ang operatiba ng shabu sa mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang 11 pakete na naglalaman ng pinaniniwalaan shabu, P100 marked money, P200 improvised tooter at sling bag.

Tinatayang may bigat na 25 gramo ang shabu at aabot sa halagang P170,000.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Bacolod Police Station 10 ang mga suspek nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico