4 astronaut sakay ng SpaceX capsule nakabalik na sa daigdig

4 astronaut sakay ng SpaceX capsule nakabalik na sa daigdig

October 15, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ligtas na nakabalik sa daigdig ang ika-apat na long-duration astronaut team na inilunsad ng SpaceX sa International Space Station (ISS) nitong Biyernes, sa Atlantic Ocean sa Florida matapos ang halos anim na buwan na pagsasaliksik sakay ng orbital outpost.

Nag-parachute ang SpaceX Crew Dragon capsule na binansagang Freedom, na may sakay na tatlong U.S. NASA astronauts at isang Italian crewmate mula sa European Space Agency, sa dagat sa pagtatapos ng five-hour autonomous flight pauwi galing ISS.

Sinimulan ang pananatili ng Freedom sa orbit noogn Abril 27. Kabilang sa crew sina NASA astronaut Kjell Lindgren, 49, kapwa mga Amerikano na sina Jessica Watkins, 34, at Bob Hines, 47, maging si Samantha Cristoferetti, 45, ng Itala, na commander ng kanilang ISS expedition. Si Watkins ang unang African-American woman na nakilahok sa long-duration ISS mission.

Sa loob ng wala pang isang oras, tinulungan ng recovery teams sa retrieval vessel ang apat na astronauts sa unang langhap nila ng sariwang hangin sa mahigit na 24 linggo.

Kabilang sa mga bumati sa kanila sa deck ng barko ang veteran NASA astronaut na si Megan McArthur.

Sasailalim ang mga astronaut ng routine medical checkup sa barko bago isakay sa helicopter pabalik sa Florida. RNT/SA