4 bangkay ng mangingisda lumutang sa dagat

4 bangkay ng mangingisda lumutang sa dagat

June 27, 2022 @ 8:23 AM 2 months ago


BAGAC, Bataan – Lumutang ang bangkay ng apat na mangingisda habang nawawala ang isa panilang kasama matapos lamunin ng malakas na alon ang kanilang fishing boat, nitong Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ni Coast Guard commander PO1 Edward John Lazaro, ng CG Morong substation ang mga biktimang sina Alexander Mesina, 52; Tirso De Guia, 45; Edgar Balboa, 50; at Gregorio Limboc, 43; pawang mga taga Nasugbu, Batangas .

Batay sa report ng pulisya, kabilang sa 45 crew na sakay ang mga biktima ng Fishing Boat Twin Sister kasama sina Gregorio Abong, 52 at Jemar Dacillo, 26.

Habang naglalayag ang mga biktima sa gitna ng karagatan na sakop ng Barangay Saysain ng salubungin ang mga ito ng malalakas na alon.

Dito, tuluyan nilamon ang bangka ng mga biktima at apat na sa mga ito ang nasawi habang patuloy naman nagsasagawa search and rescue operation ng PCG sa isa pang mangingisda na si Dacillo./Mary Anne Sapico