4 batang chess players sasabak sa international events – Chua

4 batang chess players sasabak sa international events – Chua

November 18, 2022 @ 7:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines — Nakatakdang sumabak  ang mga baguhang sina Elle Castrononuevo, April Claros, Gian Christian Karlo Arca at Ruelle Canino sa mga international tournaments.

Nagkampeon ang apat na junior chess players sa kani-kanilang kategorya sa katatapos na Eastern Asia Youth Chess Championships sa Bangkok, Thailand.

Nanalo si Castrononuevo sa girls’ under-8 division kung saan itinanghal itong most beme­dalled player ng torneo.

Nangibabaw naman si Claros sa girls’ U-16 girls habang silver medalist si Canino sa girls’ under-14 girls at gold si Arca sa boys’ under 14.

Ibinida ni NOVA Wellness store president Vincent Travis Chua na hindi niya pababayaan ang mga manlalaro at susuportahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya sa mga international competitions.

Sasabak sina Castrononuevo, Claros, Arca at Canino sa Philippine National Women Chess Championship Grand Finals sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7.

“Sinuman ang makapasok sa finals, ang pakay namin ay isabak sila sa AIMAG 2023, SEA Games sa Cambodia, Asian Games sa China at iba pang malalaking kompetisyon at itaas na rin ang kanilang FIDE rankings para maging woman Grand Master,” hirit ni Chua.RICO NAVARRO