4 baybayin sa Vis-Min positibo sa red tide

4 baybayin sa Vis-Min positibo sa red tide

September 5, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Apat na coastal area sa Visayas at Mindanao ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa isang shellfish bulletin na may petsang Setyembre 2, sinabi ng BFAR na ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para sa pagkain ng tao:

  • Matarinao Bay sa Silangang Samar

  • baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol

  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

  • Lianga Bay sa Surigao del Sur

Gayunpaman, sinabi ng BFAR na ang iba pang seafood bukod sa mga shellfish na nakolekta mula sa mga lugar sa itaas ay ligtas para sa pagkain ng tao.

“Ang isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin ng tao basta’t sariwa at hugasan ng maigi, at ang mga panloob na organo tulad ng hasang at bituka ay tinanggal bago lutuin,” sabi ng BFAR. Santi Celario