4 bebot, huling bumabatak

4 bebot, huling bumabatak

March 13, 2019 @ 5:31 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Apat na babae ang dinampot ng pulisya nang maaktuhang bumabatak sa San Miguel, Manila kaninang madaling araw.

Hawak  ngayon ng MPD- Station 8, ang mga suspek na sina Norhaya Haji-ali alias Norhaya, 40;  Diana Pinansilo, 38; Analyn Cofuentes, alias Ana, 36; at Angelita Gomez, alias Angie, 32 na nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga.

Sa imbestigasyon ng MPD-PS 8, nagsasagawa ng anti-criminality campaign sa pangunguna ni PInsp. Rodelio Lingcong, dakong alas 2:15 ng madaling araw sa Rawatan St. malapit sa Carlos Palanca St., Sam Miguel, Maynila nang mamataan ang mga suspek.

Nang sitahin, nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Isang concerned citizen ang nag-tip sa pulisya kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)