4 biktima ng human trafficking, naharang ng BI

4 biktima ng human trafficking, naharang ng BI

March 9, 2023 @ 3:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat pa na biktima ng human trafficking na tinangkang pumuslit patungong Singapore.

Sinabi ni Ann Camille Mina, BI Travel Control and Enforcement Unit Chief, na ang apat na biktima ay tinangkang sumakay ng Jetstar Airlines biyaheng Sinagpore noong Marso 1.

“We received intelligence information from the National Bureau of Investigation and the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) NAIA Task Force Against Trafficking about the departure of the victims that were said to be actually bound for Cambodia to work in offshore gaming operations,” ayon kay Mina.

“We were able to intercept their attempt and prevent them from being victimized abroad,” dagdag pa nito.

Ang apat ay may escort na isang babaeng recruiter kasama ang isang 4-na taon na bata kung saan sinabing empleyado sila ng manpower services, gayunman, hindi tugma ang kanilang mga statements na sa bandang huli ay inamin nila na nagbayad sila ng P10,000 bawat isa bilang down payment sa kanilang recuiter.

Muli namang nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco hinggil sa mga illegal recruiters.

“These recruiters are crafty with their schemes, by using families with children as couriers,” ayon Tansingco.

“We have seen how victims have been exploited and even physically abused abroad. Aspiring OFWs should not accept offers they receive via social media. They should always secure work abroad through the Department of Migrant Workers,” dagdag pa ng BI Chief.

Ang biktima at recruiter ay nai-turn over na sa IACAT para sa imbestigasyon. JAY Reyes