4 buking sa pag-inom ng alak sa Manila Memorial Park

4 buking sa pag-inom ng alak sa Manila Memorial Park

November 1, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bistado ang apat na indibidwal na umiinom ng alak na naging dahilan sa kanilang pagkakaaresto sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque nitong Lunes, Oktubre 31.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft ang mga inrestong indibidwal na mga cemetery caretaker na sina Leonie Carpio, 29; Gregorio Donor III, 30; John Kennedy Ibañez, 22; at cemetery maintenance personnel Danilo Conot, 56.

Ayon kay Kraft nadakip ang mga suspects dakng alas 3:50 ng umaga sa loob ng Manila Memorial Park (MMP) Cemetery sa Sucat Road, Parañaque City.

Sinabi ni Kraft na rumesponde ang mga miyembro ng Parañaque City police sa tawag ng isang concerned citizen na mayroong nag-iinuman sa bakanteng lawn sa loob ng MMP at nagpaputok pa ng kanyang dalang di pa alam na kalibre ng baril.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Parañaque City police sa lugar kung saan inabutan ng mga ito ang apat na suspects na nag-iinuman na nagresulta ng kanilang pagkakadakip.

Sasampahan ng kasong drinking liquor inside the cemetery, alarm and scandal, paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person of Authority and their Agents). James I. Catapusan