4 Caraga cops dawit sa P2.7M robbery case

4 Caraga cops dawit sa P2.7M robbery case

January 19, 2022 @ 7:41 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Apat na pulis mula Caraga ang nakasailalim sa restrictive custody sa umanoy pagkakadawit sa P2.7 milyong robbery incident sa isang negosyante sa Davao Oriental noong nakaraang linggo.

Iniatas na rin ni Gen. Dionardo Carlos, Philippine National Police (PNP) chief, ang presensya ng nasabing mga pulis sa isinasagawang masinsinang in=mbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group and the Internal Affairs Service.

Kinilala rin ng PNP Chief ang mga dawit nap arak na sina Police Master Sgt. Ronald Laro; Police Staff Sgts. Dariel John Mozo at Richard Ayala; at Patrolman Ivan Klein Osorio.

“Their restriction will also preclude any undue influence in the ongoing investigation and possible intimidation of witnesses and complainants. The investigation will give the accused policemen the opportunity to present their side and explain their actions,” ani Carlos.

Sa kabilang banda, sinabi ni Carlos na hindi naman sila ituturing na guilty hanggang sa mapatutunayan ito.

“Meantime, we will give them the benefit of the doubt until such time that all facts and evidence are established to build a case,” aniya pa.

Nauna nang sumuko ang nasabing mga pulis sa kanilang mga komander sa Police Regional Office-13 Headquarters sa Butuan City matapos na madawit sa nasabing umanoy nakawan. RNT