4 Chinese Coast Guard ship umaaligid sa Panatag Shoal-PCG

4 Chinese Coast Guard ship umaaligid sa Panatag Shoal-PCG

October 7, 2022 @ 9:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes na namataan nila ang apat na barko ng Chinese Coast Guard sa paligid ng Panatag Shoal sa isinagawang aerial surveillance.

Nakaposisyon umano ang dalawang China Coast Guard ships sa loob ng Panatag Shoal, habang ang dalawa naman ay nasa labas, dagdag pa ng PCG.

Dagdag pa ng PCG na namonitor din nito ang dalawa pang Chinese militia vessels sa labas ng katubigan ng Panatag.

Wala namang nangyaring paghahamon sa pagitan ng mga coast guard ng dalawang bansa sa nangyaring inspeksyon.

Ang Panatag Shoal ay matatagpuan sa kanluran ng Zambales at nasa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas. Paulit-ulit na iginiit ng China ang “soberanya” nito sa shoal, na tinatawag nitong Huangyan Dao.

Samantala, iniulat din ng PCG na nasa 30 hanggang 40 Filipino fishing boat ang nakita sa lugar sa surveillance. Hinikayat nito ang mas maraming lokal na mangingisda na dumaan sa ruta. RNT