4 Chinese kulong sa iligal na pagbebenta ng antigen test kits in Maynila

4 Chinese kulong sa iligal na pagbebenta ng antigen test kits in Maynila

January 24, 2022 @ 7:30 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang apat na Chinese national na iligal na nagbebenta ng antigen test kits sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Maynila noong nakaraang linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina Anna Chua, 24; Wen Ze Zhou, 27; Cai Hongyu, 52; at Bryant Ong, 42 na naaresto sa Gen. Solano St. sa San Miguel, Manila noong Enero 21.

Nakuha sa kanila ang 240 kahon ng Clungene antigen rapid test kits na tinatayang nagkakahalaga ng P960,000; cellphone; at PHP1,000 bill marked money.

Sinabing ang apat ay kabilang sa Christian Criminal Group na sangkot sa illegal online selling ng mga hindi awtorisadong COVID-19 test kits.

Noong nakaraang linggo, limang miyembro ang nahuli ng CIDG sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at  Quezon City mula Enero  19 hanggang 20.

Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Republic Act 9711 o ang  Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009 na may kinalaman sa FDA Circular No. 2020-016 o ang pagbabawal ng online selling ng  COVID-19 antigen test kits. RNT/FGDC