4 college studes patay sa aksidente

4 college studes patay sa aksidente

August 17, 2022 @ 2:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Apat na college students ang naiulat na nasawi kabilang ang dalawang lalaki at dalawang babae makaraang aksidente umanong pumailalim ang kanilang sinasakyang Toyota Innova sa Isuzu Forward Truck na may kargang mga kahoy ( Paleta ), kaninang madaling-araw sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay Calumpang sa Tayabas Quezon.

Kinilala ang apat na biktimang nasawi na sina Enrique Rey Azores y Garcia, 20, binata, Juan Carlos Rustia y Alvarez, 22, Mikaela Jeuel D. Solomon, 23, pawang college student at naninirahan sa Barangay Poblacion Candelaria Quezon at hindi kinilalang kasamahang babae ng mga ito.

Samantala, pansamantalang nasa kustodiya ng Tayabas Police Station ang driver ng truck para sa isasagawang imbestigasyon na nakilalang si Cepriano Gonzales Jr. y Alcera, 39, may-asawa, driver residente ng Barangay Bigaho Lopez Quezon .

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente dakong alas- 3 ng madaling-araw habang kapwa binabagtas ng Toyota Innova na may plakang DAC-4983 at Isuzu Forward na may plakang WTP- 521 ang patungong Sariaya Quezon nang bigla umanong bumangga ang sinasakyan ng mga biktima sa gawing likod ng Isuzu Forward truck na siyang dahilan umano para pumasok sa ilalim ng nasabing truck ang sinasakyang Toyota Innova ng mga biktima.

Nabatid sa ulat na kapwa isinugod sa Quezon Medical Center ang mga sugatang biktima ,subalit idineklra umanong dead on arrival ang mga ito ayon sa attending Physician Dr. Benjamin Patacion, sanhi ng mga tinamong multiple serious injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan ang bangkay ng apat na College Student ay nakalagak sa Morgue sa Quezon Medical Center. Ellen Apostol