4-day work week, 1-day work-from-home ikinasa sa SC

4-day work week, 1-day work-from-home ikinasa sa SC

March 31, 2022 @ 9:24 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Ikakasa ang 4-day work week sa Supreme Court simula Abril 4. kung saan apat na araw silang pisikal na papasok sa opisina habang  isang araw naman ang inilaan para sa work from home.

Ayon sa Memorandum Order No. 41-2002 ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ang trabaho ng mga empleyado ng SC ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.

“In order that all offices/services/divisions/units in the Supreme Court will be open from Monday to Friday, the workforce shall be divided into two groups,” saad sa order.

Pisikal na papasok sa opisina ang isang grupo mula Lunes hanggang Huwebes habang ang isa pang grupo ay mula Martes hanggang Biyernes.

“Accordingly, upon consultation with the Court En Banc, a revised flexible working arrangement is hereby implemented in the Supreme Court beginning April 4, 2022, and until further orders,” base pa sa memorandum.

Subalit nilinaw ng SC na ang bagong working scheme ay hindi paiiralin sa Fiscal Management and Budget Office, Office of the Bar Confidant, Medical and Dental Services, Fiscal Management Office of OCA, Office of Administrative Services, Security Division at Maintenance Division. RNT/SA