4 doktor sa Makati nangunang magpabakuna pampataas kumpyansa

4 doktor sa Makati nangunang magpabakuna pampataas kumpyansa

March 5, 2021 @ 2:28 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MAKATI CITY – Umarangkada na rin ang vaccination program laban sa COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Kabilang sa unang nagpabakuna sa Ospital ng Makati ang apat na doktor, kabilang ang director ng ospital Dr. Vergel Binay.


Sinaksihan nina Makati Mayor Abby Binay, Sec. Vince Dizon at Department of Health-National Capital Region Regional Director Corazon Flores ang nasabing vaccination drive ng lungsod.

Pinangunahan ni Dr. Binay ang pagpaturok ng Sinovac vaccine kasama ang tatlo pang doktor para tumaas ang kumpyansa ng iba pang medical workers para mahikayat na magpabakuna.

Sinabi ni IATF Covid-19 testing czar Vince Dizon na siguradong mabibigyan ang lungsod ng AstraZeneca vaccine na bahagi ng bakuna na dumating kagabi sa Villamor Airbase mula Amsterdam.

Nagpahayag naman ng kahandaan si mayor Binay na magpabakuna ng kahit anong brand sa oras na payagan na silang mga alkalde na mabakunahan. RNT


  •  
  •  
  •