4 drug suspects binitbit sa Malabon buy bust

4 drug suspects binitbit sa Malabon buy bust

October 29, 2022 @ 12:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng apat na bagong identified drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek bilang si Albert Teel alyas “Buboy”, 35, Paolo Piamonte, 43, Jayson Mendoza alyas “Son”, 30 at Ryan Jay Muring, 41, pawang residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcment Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Gen Luna Brgy. Ibaba.

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba si Teel at Piamonte kasama si Muring at Mendoza na sinasabing mga parokyano ng dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P11,560 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura