4 durugista arestado sa pot session sa Bulacan



4 durugista arestado sa pot session sa Bulacan

June 10, 2021 @ 2:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan – Arestado ang apat na kalalakihan habang humihithit ng shabu nang salakayin ng mga pulis sa isang compound sa Brgy.Saluysoy,Meycauayan kahapon.

Nakilala ang mga naaresto na sina Johair Suhaylie, 38, residente ng Brgy. Saluysoy, Emran Abedin, 20; Almubarak Ali, 30; at Mohamad Cosain, 33, kapwa residente ng Brgy.Calvario.

Sa report ng Meycauayan, sinalakay nila ang pot session bandang 3:30 a.m noong Miyerkules, June 9 sa Burador compound sa Brgy. Saluysoy.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang tawag ng concerned citizen ang kanilang natanggap na may nagaganap na pot session sa lugar.

Dahil dito, agad tumulak ang mga pulis sa lugar hanggang mabulaga at maaresto ang mga suspek habang humihithit ng iligal na droga.

Nakumpiska sa lugar ang isang cut-opened plastic sachet na pinaghihinalaang may residue ng shabu,apat na sachet na pinaghihinalaang shabu at mga paraphernalia. (Dick Mirasol III)


  •  
  •  
  •