4 durugista kulong sa P205K shabu sa Navotas

4 durugista kulong sa P205K shabu sa Navotas

January 15, 2022 @ 1:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang 63-anyos na lola matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Olaging, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Paltok St., Brgy., Daang Hari kung saan nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu kay John Mervin Luchico alyas “Nog-nog”, 30, (pusher/listed).

Nang tanggapin ni Luchico ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Rommel Tablan, 24, na nakuhanan ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 22 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P149,600.00, buy bust money ay P300 cash.

Dakong ala-1 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa R-10, Brgy. NBBN si Fe Ramirez, 63, (pusher/ newly identified) at Ruben Cañeda, 54, (pusher) at kapwa residente ng Tondo Manila.

Narekober sa kanila ang tinatayang nasa 8.2 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P55,760.00, P500 marked money at P300 cash.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Boysan Buenaventura)