4 durugista laglag sa P100K ‘tobats’ sa Bulacan drug den

4 durugista laglag sa P100K ‘tobats’ sa Bulacan drug den

March 10, 2023 @ 5:24 PM 3 weeks ago


BULACAN – Arestado ang apat na indibidwal na nahulihan ng P103,500 halaga ng iligal na droga matapos salakayin at buwagin sa buy-bust operation ng mga awtoridad ang drug den sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Bensil Alar Pepito, 33, Iris Lei Linaza Bondola, 24, Arthur San Antonio Paez, 31 at Henry Sapi Padilla, 36.

Sa report, pinangunahan ang operasyon ng PDEA Bulacan Provincial Office kasama ang PDEA RO3 RSET at Bulacan police bandang 11:30 ng umaga nitong Huwebes, Marso 9 sa Brgy. Muzon.

Nakuha sa operasyon ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang P103,500, mga paraphernalia at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dick Mirasol III