4 durugista nabitag sa Navotas buy bust, P199K shabu, nasabat

4 durugista nabitag sa Navotas buy bust, P199K shabu, nasabat

September 21, 2022 @ 10:08 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Tinatayang halos P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na drug suspects matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1 ng madaling araw ng magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa E Mariano St., Brgy. Tangos South.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba sina Eduardo Sengson alyas “Edwin”, 60, at Ricky Garcia alyas “Iking”, 44, kapwa (pusher/listed) matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10.4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php70,720.00, at buy bust money.

Bandang alas-2:25 ng madaling naman nang maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Dalagang Bukid, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan sina Pocholo Castillo alyas “Cholo”, 26 ng Brgy. Navotas West at Rizalino Lopez alyas “Moja”, 23, ng Brgy. Daang Hari.

Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 19 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P129,200 at P500 buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura