4 indibidwal ligtas sa lumubog na bangka

4 indibidwal ligtas sa lumubog na bangka

November 7, 2022 @ 9:06 AM 1 month ago


SAN JUAN, Batangas — Nakaligtas ang apat na indibidwal matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka habang tumatawid mula sa Barangay Tipaz, San Juan, Batangas patungong Barangay Bantilan Manggalang, Sariaya, Quezon noong Sabado ng hapon.

Ayon sa PCG, namataan ng ilang mangingisda ang mga biktima na lumubog ang kanilang sinasakyan bangka na may kargang kahon ng mga isda.

Mabilis namang sinaklolohan ang bangka at nailigtas ang apat na sakay nito.

Sinabi ng mga awtoridad na limitado lamang ang mga sasakyan na pinadadaan Bantilan bridge na nagdurugtong sa dalawang lalawigan ng Quezon at Batangas matapos gumuho sanhi ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Samantala, nagsagawa kahapon (Linggo) ng ocular inspection ang PCGH at pinayagan lamang nila ang mga bangka na may mga ‘katig’ o floaters sa magkabilang panig ang pwedeng magbiyahe o magsakay ng pasahero.

Inatasan din ng PCG ang paggamit ng mga life vests ang lahat ng pasahero at hinimok ang mga may-ari ng bangka na lagyan ng ‘katig’ ang kanilang mga bangka para masiguro ang kaligtasan ng mga nakasakay. Mary Anne Sapico