4 indibidwal sugatan sa hagupit ni #FloritaPh

4 indibidwal sugatan sa hagupit ni #FloritaPh

August 24, 2022 @ 7:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ginamot sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City ang apat na indibidwal na magtamo ng injury dahil sa epekto ng severe tropical storm Florita, ayon sa doktor nitong Martes.

“Apat po silang pasyente na naitakbo. Maliban diyan wala na po tayong nadagdag na pasyente,” ani Dr. Glenn Matthew Baggao, medical director ng ospital.

Ibinahagi ni Baggao na nais sagipin ng isang 28-anyos na residente ang kanilang kalabaw subalit nahulog siya at nasugtan. Dinala ang biktima sa emergency room at sasailalim sa surgery, aniya.

Nagtamo naman ng laceration ang isa pang pasyente matapos bumagsak ang sanga ng puno. Nasugatan din ang isang 10-anyos dahil sa parehong dahilan, batay sa doktor. Nabalian naman ng kamay ang isa pang bata.

Idinagdagd niBaggao na inilikas ang mga pasyente sa unang palapag ng opsital dahil sa baha dulot ng malakas ng ulan at hangin ni Florita. Wala naman umanong staff ng ospital ang nasaktan.

“Naramdaman namin ‘yung sobrang lakas na ulan, sobrang lakas ng hangin, na kung saan po ang ating ospital ay binaha,” sabi niya.

“Binaha po ‘yung buong first floor ng ating hospital na kung saan naka-confine ‘yung ating mga pasyente dahil nandito po ‘yung ating wards.”

Bahagyang humina ang bayongFlorita slightly nitong Martes ng hapon, ayon sa state weather bureau PAGASA at pinanatili ang tropical cyclone warning signals sa ilang lugar sa Luzon. RNT/SA